Jericho sa tambalan nila ni Jennylyn: Dininig na ang dasal ko!

JENNYLYN MERCADO AT JERICHO ROSALES

JENNYLYN MERCADO AT JERICHO ROSALES

NANINIWALA si Jericho Rosales na tatangkilikin ng manonood ang pelikula nila ni Jennylyn Mercado sa 2015 MMFF, ang “Walang Forever”.

“Alam ko kasi ‘yung movie namin, may sarili siyang pwesto, may sarili siyang space sa MMFF. Alam ko ‘yung fans ng hashtag walang forever, ito ‘yung hinihintay nila na film. ‘Yung trailer namin got so many shares and millions of views. I believe in the film so much that magse-stay siya hindi lang sa MMFF,” sey ni Echo sa isang panayam.

Hirit pa nito, “It’s that film na kinailangan gawin, with a beautiful story pa. Once you watch it, kakalat siya parang wildfire because of the reaction of the people.”

Sey pa ng Kapamilya aktor, isang blessing ang makatambal si Jennylyn sa pelikula at pang-filmfest pa, “Pinagdasal ko ito. Alam ng mga managers ko ito. Gusto ko ng romantic comedy, gusto ko ng light drama sa films kasi hindi ko nagagawa. Na-grant siya, so it’s an answered prayer.”

Read more...