Jonalyn Viray bilib na bilib sa mga Kapamilya star sa ASAP20 | Bandera

Jonalyn Viray bilib na bilib sa mga Kapamilya star sa ASAP20

Reggee Bonoan - December 15, 2015 - 03:00 AM

JONALYN VIRAY

JONALYN VIRAY

HINDI na exclusive artist ng GMA 7 si Jonalyn Viray kaya pwede na siyang mag-guest sa ibang TV network.

Hindi itinanggi ni Jonalyn na pangarap din niyang makapag-guest sa ASAP20 ng ABS-CBN dahil kapag napapanood daw niya ang Sunday show ay hanga siya sa galing ng bawa’t performers doon.

Sabi nga namin, puwedeng makipagsabayan si Jonalyn sa mga biriterang singers ng ASAP20 dahil mataas at buo ang boses nito na produkto ng Pinoy Pop Superstar ng GMA 10 taon na ang nakararaan.

Ten years na pala ang nakaraan simula nang manalo siya sa singing contest ng GMA at malaki ang pasasalamat niya sa pag-aalaga sa kanya ng network dahil marami siyang natutunan at nagawa sa career niya.

Kaso, hindi naman daw hanggang doon lang ang gustong mangyari ni Jonalyn sa singing career niya kaya hindi na siya nag-renew ng konmtrata at hoping siya na ngayong freelance na siya ay mapansin siya ng ibang network para i-share ang talento niya sa pagkanta.

“Expired na po ang kontrata ko sa network noong May. Malaki po ang utang na loob ko sa GMA at wala po ako sa kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sa pag-aaruga sa akin ng network at management nito.

“Bittersweet po talaga ang pakiramdam ko dahil tahanan ko ang GMA sa nakalipas na 10 taon at hinding-hindi ko po makakalimutan ang mga ginawa nila para sa akin, pero excited din po ako sa mga puwedeng mangyari sa hinaharap.

“Ang maganda, puwede pa rin po akong lumabas sa mga show ng GMA at ng ibang networks din.

Freelance artist na po ako ngayon at excited na rin po ako sa bagong phase ng aking career,” pahayag ng morenang singer.

Sabi namin kay Jonalyn, inabot siya ng 10 taon sa GMA pero bakit parang hindi talaga umarangkada nang husto ang career niya? Bakit hindi siya masyadong nai-push ng network.

Tulad ni Morissette Amon na produkto ng Star Factor sa TV5 at pagkalipas ng dalawang taon na walang nangyari sa singing career ay nag-audition sa The Voice Season 1 at maski hindi nanalo ay kaliwa’t kanan na ang shows at citations nang mapunta sa ABS-CBN at kasama siyang naiimbitahan sa TFC shows kaya hanggang ibang bansa ay kilala na siya.

Si Angeline Quinto na kamakailan lang nanalo sa Star Power ay heto at sikat na sikat na sa buong mundo, isama pa sina KZ Tandingan ng X-Factor at ‘yung mga naging contestants ng The Voice season 1 and 2 na pawang kilala na rin.

Kung tutuusin ay mas senior pa si Jonalyn sa mga nabanggit pero hanggang ngayon ay waley pa rin.

Naloka si Jonalyn sa mga sunud-sunod na tanong sa kanya at aminadong kulang nga siya sa exposure kaya nang magkaroon siya ng concert at album ay talagang sariling kayod siya sa pagpo-promote.

Sa 10 taon sa industriya ay tinanong namin siya kung ano na ang naipundar niya, “Nakabili po ako ng lupa sa Baguio, kasi mura at maganda po yung lugar, plano ko pong patayuan either bahay o condo na puwedeng paupahan. Tapos, puro investments po sa insurance na after 10 or 20 years ay makukuha mo na ng malaki ang cash va-lue,” masayang sabi ng dalaga.

Wala pa siyang bagong bahay? “Ay wala pa po, doon pa rin kami nakatira sa napanalunan ko, plano ko pong palakihan saka marami po kasi akong alagang pets, mga ni-rescue ko kasi ‘yung iba puro injured na nasa lansangan lang, yung iba left to die na, so sila po ang babies ko kaya need ko mag-trabaho dahil ang mahal ng maintenance.”

Natuwa kami kasi in her own little way ay tumutulong si Jonalyn sa mga pets na hindi naaalagaan ng husto at pinababayaan na lang. Ini-recommend namin kay Jonalyn ang vet ng alaga naming Labrador na si Sam na si Dr. Syvert Lloyd Tan, UP graduate, dahil 24 hours ay puwede siyang tawagan o i-text in case of emergency at higit sa lahat.

Samantala, SRO ang nakaraang concert ni Jonalyn sa Music Museum na pinamagatang “Journey Into My Heart” kung saan kinanta niya ang kanyang mga hits sa nakalipas na ten year.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinaghahandaan na ngayon ng morenang singer ang launching ng kanyang 5-track album na pinamagatang “Heart Of Glass” produced ng Creative Media Entertainment. Available na rin ito ngayon sa digital downloading.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending