Roxas kumasa kay Duterte

Unknown-1
Hindi natatakot si dating Interior and Local Government Sec. Mar Roxas sa banta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sasampalin siya nito dahil sa pagsisiwalat na mataas ang crime rate sa siyudad.
“Sampalin nya ako, punta sya dito. Kundi punta ako doon sa Davao, sampalin nya ako sa airport, tingnan natin,” ani Roxas.
Sinabi ni Roxas na hindi totoo na walang krimen sa Davao City kung ibabatay ito sa ulat ng Philippine National Police na nakatalaga sa luagr. Nagalit si Duterte at sinabi nito na sasampalin si Roxas.
“Ang mahirap sa kay Mayor Digong Duterte, nasanay sya na one-man rule, nasanay siya na kung hindi nya nakukuha ang gusto niya, kung may nagsasabi sa kanya ng katotohanan ay mananampal nalang siya o pagbubuhatan nalang niya ng kamay. Subukan natin, tingnan natin. Wala naman akong kilalang malaking tao na na sinampal niya, lahat maliliit, mga walaang kalaban-laban.
Ipinaalala rin ni Roas kay Duterte na ito ang chairman ng Regional Peace and Order Council na siyang in-charge sa peace and order sa buong rehiyon ng Davao.
“Yung (pag) pili ng chief of police ng Davao City, sa kanya. Yung mga istatistika na yun ay mula sa PNP, mula sa mga tao , mula sa sistema na nandyan na nagbibilang ayon sa blotter nitong mga krimen na ito. Ito yung katotohanan eh, ayaw ba niyang tanggapin?” dagdag pa nito.
Sinabi ni Roxas na handa siyang makipagsampalan kay Duterte kung hindi totoo na nagtapos siya sa Wharton University sa Amerika.
“Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ako. Hindi ako iiwas or iilag. Pero kung totoo yung Wharton degree ko, sasampalin kita (Duterte),” dagdag pa ni Roxas.
Sinabi nito na itinuring niyang kaibigan si Duterte. “Nirespeto kita, pinahalagahan ko ang aking pakikipagkaibigan sayo. Pero mabuti narin lang at nakita na natin ang katotohanan ng pagkatao mo.”

Read more...