DEAR Aksyon line,
May pitong taon na rin akong hiwalay sa asawa ko thru annulment na – annulled ang kasalnamin 2008 pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapapalitan ang aking status o record . Ano po ang dapat kung gawin at anu-ano ang mga requirements na kinakailangan kung dalhin dahil plano kung may leave muna sa trabaho kahit isang araw para maayos ko ito . sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan. para pagpunta ko sana sa SSS ay hindi na ako magpabalik balik pa. Salamat po
Abegail Santos Cityhomes subd Brgy Molino Bacoor Cavite
REPLY: Para sa iyong katanungan. Ms Santos kinakailangang i report o
magtungo sa pinakamalapit na SSS office sa inyong lugar para sa pagpapalit ng iyong personal record.
Kinakailangang magsumite ng Member’s Data Change Request o (SS form E-4 ) at dalhin ang mga kinakailangang dokumento gaya ng court decision na magpapatunay na annulled o napawalang bisa ang kasal , certificate of annulment at iba pang supporting documents.
Ilan sa mga kinakailangang magbago ng personal record ay ang mga sumusunod:
Change of civil status from Single to Married – Marriage contract Change of civil status from Married to Single – Death certificate (if due to death of previously reported spouse); Certificate of Finality of Annulment or Decree of Divorce New/additional/change of dependents/beneficiaries – Birth or Baptismal Certificate(s) of children or marriage contract for spouses Correction of name/date of birth – Birth or Baptismal Certificate or unexpired Passport Ms Lilibeth Suralvo Senior Officer ,Media Affairs Dept Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.