MAGBIBITIW na sa tungkulin si Immigration Commissioner Freddie Mison, isa sa pinaka-ho-nest na hepe sa Bureau of Immigration o BI.
Ito’y dahil sa walang katuturang slogan na “matuwid na daan” ni Pangulong Noynoy. Dapat nga raw, sabi ng mga kritiko ng administrayong Aquino, ay “baluktot na daan” ang slogan.
Binawasan ng mala-king kapangyarihan si Mison ng bagong hirang na Justice Secretary Benjamin Caguioa at binigay ito sa nakabababa sa kanya, si Associate Commissioner Gilberto Repizo.
Wala nang poder si Mison sa mga tauhan ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa ibang international airports sa bansa.
Ang BI ay nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Justice.
Parang sampal sa kanyang mukha ang pagtanggal ng poder niya sa mga NAIA immigration personnel.
Wala naman daw siyang ginawang kasalalan.
Sumasang-ayon ang columnist na ito dahil alam ko ang nangyayari sa mga sensitive government agencies sa pamamagitan ng aking mga “tweety birds” sa mga ahensiyang ito.
Sa aking pagkakaalam hindi tumatanggap ng lagay si Mison.
Sinabi ng mga nakadikit kay Mison, na graduate ng West Point at isang abogado, na siya’y aalis na sa bureau sa mga darating na araw.
Pero bakit pinatatagal pa niya, bakit hindi agad, ang aking tanong sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Mison.
Kasi gusto raw ilantad ni Mison ang plano na mangolekta ng P400,000 bawat ulo sa mga undesi-rable aliens na pumapasok sa bansa.
Inatasan daw ang mga NAIA personnel na tumanggap ng P40,000 kada ulo sa mga Pinoy na lumalabas ng bansa upang magtrabaho sa abroad na walang mga papeles.
Pero ang kinatatakot ni Mison ay ang maaaring pagpasok ng mga terorista sa Middle East upang maghasik ng lagim sa bansa dahil sa bagong kautusan.
Ang kanyang pangamba na maisa alang-alang ang national security ay dahil sa kanyang karanasan bilang dating miyembro ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Tumitiyempo lang si Mison upang makausap niya ang Pangulo tungkol sa maanomalyang patakaran sa BI.
Pagkatapos niyang sabihin sa Pangulo ang kanyang nalalaman ay ibibigay na niya ang kanyang letter of irrevocable resignation.
Dear Readers, nakapagtataka ba kung bakit sinasabi ko na hindi makatotohanan ang “daang matuwid” ni P-Noynoy?
Baka hindi niya alam na mga pinaggagawang katarantaduhan ng kanyang mga alipores sa iba’t sangay ng pamahalaan, na gaya nga sa Bureau of Immigration.
At dahil walang magawa si Mison kundi sumunod sa mga utos sa mga nakakataas sa kanya, gugustuhin pa niyang mawalan ng trabaho kesa maging parte siya sa kalokohan.
At kung hindi alam ni P-Noy ang mga kalokohan sa ibaba, aba’y tanga pala siya!
May kasabihan ng mabuti pa raw ang lider na may pagka-corrupt kesa isang lider na lubusang tanga.
Hindi raw nagagamot ang katangahan.