Netizens nakialam sa pag-aalaga ng DongYan kay Baby Zia

dingdong dantes

HANDS on parents sina Marian and Dingdong Dantes sa kanilang baby na si Zia.

When Dingdong posted a video on his Instagram account na nagpakitang naglalaro siya using his hovertrax na nasa tabi ang crib ni Zia ay marami ang medyo na-distract. Meron kasing tablet na nasa loob ng crib.

Nag-react ang ilang fans ng actor dahil ang feeling nila ay hindi healthy na may tablet sa tulugan ni Baby Zia. “Mali naman talaga yan. me radiation yang tablet dapat nilalayo yan sa baby. isa pa pag gadget pinapatong yan kung saan saan. eh di ba dapat lahat ng gamit ng baby sa loob ng crib malinis,” say ng isang fan.

“Wifi is the silent killer nga daw po lalo sa mga bata radiation po kc Kaya turn off ang wifi pag hindi ginagamit para din naman sa health ng pamilya,” paniwala naman ng isa pa.“The assumptions in here do not justify the iPad being next to Zia as you want to think they do,” say naman ng isa pa.

“It’s not a crib…it’s a bassinet for newborn babies. It’s lighter than the cot/crib. You can take it anywhere the house, like what Dingdong did. Cot should be in the nursery,” depensa naman ng isang fan ni Dingdong.

Read more...