Hindi ako umaasa na manalo pero gagawin ko ang best ko! – Michael

michael pangilinan

MAMAYANG gabi na po ang grand showdown ng Your Face Sounds Familiar Season 2 ng ABS-CBN na gaganapin sa Resorts World kung saan limang finalists ang maglalaban-laban para sa grand announcement naman nito na gaganapin bukas ng gabi (same venue).

Ang limang finalists ay kinabibilangan nina Kean Cipriano, KZ Tandingan, Sam Concepcion, Denise Laurel at ang anak nating si Michael Pangilinan who just romped away with the Best Male Concert Performer 2015 from Aliw Awards noong isang gabi.

“I’ve always enjoyed performing onstage in many concerts pero iba pala ang feeling pag nanalo ka ng award for a performance. It inspires you to do better every show. Kasi nga natsa-challenge ka na higitan pa ang last performance mo.

I feel so blessed that Aliw Awards recognized my little contribution in the music industry,” Michael humbly shared with us. “Ngayong araw naman haharapin ko ang isang malaking challenge sa aking music career – this time para sa Your Face grand showdown dahil we are assigned to impersonate an icon.

Please pray na maitawid ko ang piece ko. Honestly, I’m not into winning the grand prize kasi nga puro magagaling ang mga kasabayan ko. “Ako actually ang pinakabago sa kanila sa music industry kung tutuusin.

I am praying na makapag-perform ako nang maayos, at kung palarin thank God. Kung hindi naman, I am happiest na kasali ako sa Top 5. Yung mapabilang ka lang sa official contenders, nu’ng walo pa kami, masaya na ako sobra.

“It’s already a big honor. Now is a new chapter in my life – I just want to do well kaya ipagdasal niyo po ako,” pakiusap ng baby nating si Michael na naka-check-in na ngayon along with the other contenders sa RW.

This time, the winner will be judged according to text votes. Back to zero na po ang labanan ngayon kaya on their toes na ang mga Michael’Overs and Michael’s new followers. Nakakatuwang isipin that everywhere he goes, everyone’s congratulating him for that beautiful rendition ng “Lay Me Down” in the Duet Yourself episode last week ng YFSF.

Michael kasi did a duet both as John Legend and Sam Smith. Hindi lang nagtayuan ang mga balahibo namin – honestly, napaiyak ako sa sobrang husay ng anak natin. Kasi nga, kahit halos araw-araw kong kasama iyan sa mga shows at alam na alam ko na ang bawat hinga niya sa pagkanta, nakaka-proud talagang mapanood siya in a very heart-pounding performance.

“Iba talaga pag ikaw ang nanalo sa last week ng contest kasi nga ang lakas ng impact. Grabe ang galing ni Michael as Sam Smith and John Legend. He truly nailed it.  “Kungsabagay, kahit anong materyal naman ang ibigay mo sa kaniya ay talagang naitatawid niya nang maayos.

He’s a great young artist. Ibang klase. Iyan ang tipong tatagal sa industry – complete package talaga. Guwapo na, magaling kumanta, ang bait na bata at higit sa lahat lalaking-lalaki. Ha-hahaha! “Yes, para sa aking isang tagahanga, mahalaga sa akin na lalaki ang isang male performer.

“No offense meant sa mga closet gays diyan na magagaling kumanta, iba pa rin ang texture ng boses at kilos kapag tunay na lalaki ang nagpi-perform sa stage. Nakakadagdag appeal kumbaga lalo na sa aming mga gays!” ani RK Villacorta na super-subaybay sa lahat ng episodes ng YFSF Season 2 since day 1.

Millions now are rooting for Michael to win this season of Your Face. Many ask how, kaya ganito ang gagawin ninyo. Just text YFSF MICHAEL then send to 2366. Para na sa lahat ng networks iyan.

And take note, twice lang puwedeng gamitin ang isang SIM. Yung first text ay mamayang gabi after makapag-perform silang lahat and another one bukas (Sunday, Dec.13) before lunch.

Siyempre, bilang manager at nanay-nanayan ni Michael, iyan lang ang hihilingin kong Pamasko from our dear readers – ang iboto siya dahil sayang naman pag pinalagpas pa natin ang chance na ito and he truly deserves to win naman, di ba? Mahusay talaga and it takes a lot of support from all of us para matupad niya ang kaniyang pangarap sa buhay – ang ma-recognize sa music industry.

Ang napiling foundation pala ni Michael para sa Your Face Sounds Familiar ay ang Bantay Bata Foundation.

Speaking of Michael, he has a major concert next week – Friday, Dec. 18, at the Music Museum entitled “Michael Sounds Familiar” with special guests Randy Santiago, Gabrielle Concepcion, EJ Salamante, Hashtag member Nikko Seagal Natividad and Sexbombs Aira and Louise.Ivan Lee Espinosa is their musical director. This concert is brought to us by PLDT, Isabela Gov. Bojie Dy, Mang Inasal, Dreamwave Hotels, Quadro Frames, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Guiguinto Mayor and Mrs. Boy and Precy Cruz, Mr. Neal Gonzales, Ms. Chaye Cabal-Revilla, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Mr. and Mrs. Nixon and Adela Teng, Francis Tolentino, Laarni Enriquez, Sen. Nancy Binay and Mama Lily and Daddy Henry Chua.

Read more...