Luis pinalabas na pagkasama-sama at walang awa sa mga waiter | Bandera

Luis pinalabas na pagkasama-sama at walang awa sa mga waiter

Cristy Fermin - December 12, 2015 - 02:00 AM

vilma santos

Kahit sino na lang, sa kahit anong paraan at dahilan ay puwede nang wasakin at paglaruan ngayon sa social media. Nakakaawa naman ang mga personalidad na walang kalaban-laban na ipinagbubuo ng mga kalokohang istorya ng mga taong walang magandang magawa sa buhay.

Mabuti sana kung suportado ng ebidensiya ang mga kuwento, kaso nga ay wala, sa husay mag-imbento ng mga senaryo ng mga walang magawa ay nasisira ang imahe ng pesonalidad na pinagtitripan nilang wasakin.

Mabuti na lang at may puhunang magandang imahe at kredibilidad ang natitiyempuhang paglaruan. Tulad ni Luis Manzano, inilarawan siyang pagkasama-sama ng isang nagpakilalang waiter, ipinatanggal daw niya ito sa trabaho nang dahil lang sa hindi nila nagusuthang pagkakaluto ng steak ni Billy Crawford.

Pinalaki nang maayos nina Edu Manzano at Governor Vilma Santos ang kanilang anak, nasubaybayan namin ang paglaki ni Luis, isa siya sa mga personalidad na puwedeng ipagmalaki ang breeding.

May negosyo siya, maraming kababayan natin ang nabiyayaan ng trabaho sa pagiging taxi operator, nagbibigay siya ng pagkakakitaan at hindi nagiging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng ating mga kababayan.

Kumbaga sa isang nobela ay hindi pulido ang pagkakasulat ng reklamo ng waiter. Maraming butas. Kapos sa pagpapatunay tungkol sa kanyang bintang.

Mabuti na lang at si Luis Manzano ay produkto nina Edu Manzano at Vilma Santos. Sapat nang depensa ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending