NAIYAK si Ai Ai delas Alas sa presscon ng “My Bebe Love” matapos magsalita si Vic Sotto tungkol sa muli nilang pagtatambal.
“Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko iiwan ang babaeng ‘yan!” ang chika ni Bossing nang tanungin kung gaano na kalalim ang samahan nila ng Comedy Queen.
Sinabi pa ni Vic na bilib na bilib din siya sa tapang at katatagan ni Ai Ai bilang babae dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nito sa kanyang personal at professional life ay nananatili pa rin itong lumalaban sa buhay.
In fairness, marami raw pasabog ang King & Queen of MMFF sa “My Bebe Love” na tiyak na ikawiwindang at ikasa-shock ng mga manonood. Pareho rin nilang pinuri ang AlDub sa pelikulang ito dahil hindi lang daw pagpapa-cute ang ginawa ng dalawa sa movie.
“Hindi lang pang-dubsmash si Maine dito, talagang nagpakaaktres siya rito. Pareho sila ni Alden. Hindi sila mabibitin dito dahil siniguro namin na mag-eenjoy ang milyun-milyong members ng AlDub nation,” ang sabi pa ni Bossing.
Walang duda, siguradong ngayon pa lang ay handang-handa na ang AlDub nation sa MMFF 2015!