Kasikatan ni Yaya Dub inihalintulad sa mga sikat na basketball players

yaya dub

Dahil siya nga ang sinasabing pinakasikat na babaeng personalidad ngayon ay natural lang na magsulputan ang mga kuwento tungkol sa kanya. Maganda o hindi, positibo o negatibo, ang mga istoryang nagla-labasan ngayon tungkol kay Maine Mendoza ay walang makahaharang.

Kumbaga sa basketball ay kanino ba nagagalit ang mga miron, hindi ba’t sa magagaling lang na players, meron bang naiinis at su-misira sa laro ng isang player na bangko?  Pero nasa pagdadala ‘yan ni Yaya Dub.

Hindi siya dapat magalit kung nasusulat man siya ng hindi maganda, kakambal ng katanyagan ang ganu’n, isang senaryong hindi maaaring hindi lampasan ng kahit sinong personalidad na nagkakapangalan.

Sa halip na maging sensitibo ay pag-aralan niyang mabuti kung saan siya kinukulang at lumalabis, hindi naman perpekto ang kahit sino, puwedeng kung minsan ay meron siyang nakakaligtaang gawin na bahagi ng kung sino siya ngayon.

Kailangan ding malaman ni Yaya Dub na hindi maipagmamalaki ang ngayon, lalo na ang bukas, dahil sa bilis ng transisyon ng mga bagong mukha ngayon ay ni hindi naiinip ang mga personalidad na nabibigyan ng pagkakataong makilala.

Tulad niya, nag-ugat ang popularidad niya nga-yon sa You Tube lang, hindi niya naman pinagsunugan ng kilay ang hawak niyang kasikatan nang maraming taon.

Kailangang lumugar sa tama si Maine, huwag siyang nagpapasilip ng mga bagay-bagay na makasisira sa kanyang imahe, dahil kapag nangyari ang ganu’n ay mas mapadadali ang buhay ng kanyang career.

Read more...