Direktor ng GMA kinuyog ng bashers, nag-sorry sa AlDub Nation

alden richards

JUST because hindi nagustuhan ng AlDub fans ang pag-like ng isang director sa comment ng isang guy na sana ay pagbihisin naman nang maayos si Yaya Dub para hindi ito magmukhang yaya ay kinuyog na ang director ng Sunday noontime show ng Siyete na si Rich Ilustre.

Kaliwa’t kanang lait ang i-nabot ni direk Rich sa social media. Ganyan katindi ang ugali ng ilang matatapang na AlDub fans na wala sa lugar. Imagine, wala palang karapatang mag-like si direk Rich sa isang bagay na pumupuna kay Yaya Dub.

Nasaan ang freedom niya? Bakit kailangang magalit ang fans dahil sa kanyang personal belief. Parang unfair naman ‘yun. Lalo pang nagwala ang fans ni Yaya Dub nang mag-comment si direk Rich about Alden Richards and Julie Anne San Jose’ relationship.

Natanong kasi ng isang fan kung magdyowa sina Alden and Julie Anne and apparently, sumagot daw ng “Yup” si direk Rich. But later, someone said that nadoktor ang sagot ni direk Rich and what he really said was nope.

Nag-apologize naman si Rich sa AlDub fans and tweeted, “To #AldubNation, I sincerely apologize. I was wrong. It was a mistake on my part. Rest assured I will be more cautious in the future.”

So, from now on pala, this Rich Ilustre will behave accor-ding to the liking of Aldub Nation? Spell robot?

Read more...