PINAYAGAN ng Korte Suprema si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapag-Pasko at Bagong Taon sa kanyang bahay sa Quezon City.
Sinabi ni SC Information Chief Theodore Te na magsisimula ang furlough ni Aquino ganap na alas-8 ng umaga ng Disyembre 23, 2015 hanggang alas-5 ng hapon ng Disyembre 26, 2015 at alas-8 ng umaga ng Disyembre 30,2015 hanggang alas-5 ng hapon ng Enero 2, 2016.
“The furlough will be spent exclusively at her residence at La Vista Subdivision in Quezon City. The petitioner shall remain under preventive custody of the law,” sabi ni Te.
Kasalukuyang naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kaugnay ng kanyang kasong plunder dahil sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) scam.
MOST READ
LATEST STORIES