Piloto, estudyante sugatan matapos mag-crash ang isang aircraft sa Mindoro


BAHAGYANG nasugatan ang isang piloto at ang estudyante nito nang mag-crash ang isang trainer aircraft na pag-aari ng isang pribadong flying school sa karagatan ng Calapan Bay sa Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro, ayon sa pulisya.

Bumagsak ang eroplano na pag-aari ng Sapphire International Aviation Academy na nakabase sa Sucat, Paranaque City, sa karagatang bahagi ng barangay Lazareto ganap na alas-9:50 ng umaga, ayon kay Superintendent Jonathan Paguio, Calapan City police chief.

Idinagdag ni Paguio na agad namang dumating ang mga rescuer para tulungan ang piloto na si Angelo Serna, at ang kanyang estudyanteng si Mark Mendoza at kapwa dinala sa Maria Estrella Hospital.
Aniya, nagsasagawa na ng retrieval operations ang mga miyembro ng Philippine National Police-Maritime unit sa lungsod at ang Philippine Coast Guard.
Sinabi ni Calapan Mayor Arnan Panaligan na isususpinde ang operasyon ng flying school sa lungsod.

Read more...