ALAM n’yo ba na ang hashtag ng phenomenal on-screen love team ng aktor na si Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ang siyang ikatlong most talked about trending topic sa Twitter sa television category in 2015.
Ito ang inilabas na ulat ng social networking and microblogging site na listahan ng #YearOnTwitter top trends (2015.twitter.com) para ngayong taon.
Ang iba’t ibang katergorya ay binbuo ng TV, music, technology, news, politics, sports, pastimes, stars and emojis.
Ang hashtag na “#AlDubEBTamangPanahon” na ginamit ng Eat Bulaga sa kanilang “Tamang Panahon” special sa Philippine Arena noong Oktubre 24, ang tinanghal na ikatlong pinaka pinag-usapan.
Umabot ito ng 41 milyong tweets mula Oct. 23 hanggang 25. Tinalo nito ang AlDub rekord nito na 26 milyon tweets noong Sept. 25 at ang 35.6 milyon tweets ng laban ng Brazil at Germany sa World Cup semi-final noong July 8. 2014.
Nauna sa listahan ang #KCA (Nickelodean’s Kids’ Choice Awards) at #TeenChoice (Teen Choice Awards). Kabilang din sa listahan ang hashtag para sa American Music Awards, ang hit US series na The Walking Dead, Empire, at Pretty Little Liars.