Kakasuhan ng Office of the Ombudsman si Sen. Joseph Victor Ejercito at iba pang opisyal ng San Juan City kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng baril noong 2008.
Kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at Technical Malversation ang isasampa laban kay Ejercito, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada kay Guia Gomez na pumalit sa senador bilang alkalde ng San Juan. Nahaharap din sa Technical Malversation case sina Vice-Mayor Leonardo Celles, City Councilors Andoni Carballo, Vincent Pacheco, Angelino Mendoza, Dante Santiago, Rolando Bernardo, Grace Pardines, Domingo Sese, Francis Peralta, Edgardo Soriano, Janna Ejercito-Surla, Franciso Zamora, Ramon Nakpil at Joseph Torralba.
Kasong graft naman ang isasampa sa mga miyembro ng Bids and Awards Committee na sina City Administrator Ranulfo Dacalos, Treasurer Rosalinda Marasigan, City Attorney Romualdo Delos Santos, City Budget Officer Lorenza Ching at City Engineer Danilo Mercardo.
Sinuspendi rin ng anim na buwan sina Dacalos, Marasigan, Delos Santos, Mercado at Barazon matapos mapatunayan na guilty sila sa administrative case na Misconduct.
Hiniling umano ni Ejercito sa City Council na gamitin ang kanilang calamity fund sa pagbili ng mga armas para sa pulisya kaya naaprubahan ang City Ordinance No. 9.
Nakabili sila ang tatlong K2 cal. 5.56mm sub-machine guns at 17 Daewoo model K1 cal. 5.56mm sub-machines guns na may halagang P2.1 milyon.
“Hasty procurement of specific high-powered firearms of a particular brand sans competitive bidding and without any post-qualification, bolstered by bid documents bearing dates earlier than the publication of the invitation to bid, showing that an unwarranted benefit, advantage and preference,” sabi ng Ombudsman.
JV Ejercito tinuluyan ng Ombudsman dahil sa maanomalyang pagbili ng baril
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...