May 50 kongresista ang nagpahayag ng pasuporta sa presidential aspirant na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Pero tumanggi si Davao City Rep. Karlo Nograles na pangalangan ang mga ito.
“More or less, there are 50 members of the House of Representatives who have expressed openness in supporting Mayor Duterte. I am not at liberty to name them…I haven’t got the clearance. But of that 50, 40 percent are from Mindanao,” ani Nograles, na pamangkin ni Duterte.
Sinabi ni Nograles na 70 porsyento ng mga pulitiko sa Region 11 ang sumusuporta sa pagtakbo ni Duterte at meron din umano mula sa Region 12 at 13.
Ayon aky Nograles hindi pa lumalantad ang mga kongresista dahil hinihintay pa nila ang mga mangyayari bago ang eleksyon gaya ng desisyon ng Commission on Elections sa pagpalit ni Duterte kay Martin Dino.
“Several factors will come into play, but the communications lines are open; bridges are being built. We’ll see where we will go from there. By February, lines will be drawn,” dagdag pa nito.
Minaliit naman ni Nograles ang pagkabahala ng Amnesty International sa pagtakbo ni Duterte na kilala sa matigas nitong pamumuno. Iniuugnay si Duterte sa mga pagpatay sa siyudad.
“These [accusations of human rights violations] are nothing new. There have been reports from the Human Rights Watch in 2009, as well as Amnesty International. But to this day, they are yet to show an iota of proof [that Duterte is behind it]. What is there to show?,” ayon pa sa mambabatas.
MOST READ
LATEST STORIES