PINATULAN ni Luis Manzano ang isang Cris Silao na nag-akusa sa kanyang nagpatanggal sa kanyang pinagtatrabahuhang restraurant. Sa kuwento ni Cris sa Instagram post ni Angel Locsin, nawalan siya ng trabaho dahil kina Luis at Billy Crawford.
Nagreklamo raw kasi si Luis na hindi well done ang kanyang steak. Nagbanta pa raw si Billy na ipasasara ang resto kaya napilitan diumano ang may-ari na alisin siya.
Ang pinaka nakakaloka, dinuraan pa raw nina Luis at Billy ang kanyang sapatos. Amazed na amazed si Luis sa kuwento about him.
Wala siyang matandaang ganoong senaryo.
“Medyo mali facts mo, dahil never kami lumabas ni Billyboy at kumain ng steak! HANG TAAAAAAGALLLLL ko ng di nakakasama sa labas si Billyboy, kung gusto gumawa ng kwento, magulang mo nalang kausapin mo, tanungin mo sila bakit ka nila binuo, isama mo na rin yung mga basta basta naniniwala sa mga comment online.
“I’ve been dining out mula ng bata pa ako, I can say na wala pa akong binabastos na kahit sinong waiter o trabahador dahil pantay pantay tingin ko sa may ari ng restaurant o kahit sa waiter, ilang beses na akong na serve-an ng maling order, undercooked dish or di kaya may maling lasa yet NEVER ako nambastos ng kahit sinong staff, ang swerte naman ng kung sino yung nasa kwento mo dahil kamukha ko.
“Na serve-an na nga ako ng steak na lasang sabon e, tinawanan at binulong ko nalang sa waiter para di siya ma stress, ganun ako. Good luck sa pagdamay sa akin at kay Billy sa problema mo.” ‘Yan ang sagot ni Luis.
Later on, he said, “Bro, i mean this in all seriousness and sincerity, if you really think it was me, then maybe you should have your mental health checked, this is not a punchline, you may be delusional and suffering a mental illness, it maybe affecting you and the people around you bro.
“Please consider a check up for your sake and your loved ones:)”Naghamon naman si Angel na magharap-harap sila nang magkaalaman. We feel that Cris Silao to be believable should have mentioned the name of the resto, the name of the owner and the date where it happened.
As it is kasi, insufficient ang kanyang accusation kasi wala siyang binanggit na name ng resto na kanyang pinagtrabahuhan kung saan siya natanggal. It would have been sensible kung pinangalanan niya ang resto. He’s got nothing to lose anymore dahil natanggal na siya right?