Pastillas Girl muling umagos ang luha, pinaslang na ina nailibing na

pastillas girl

MARAMING nakiiyak kay Angelica Yap alyas Pastillas Girl sa kanyang eulogy para sa inang walang awang pinatay na si Teresita Yap na inihatid na nga sa kanyang huling hantungan.

Sa ginanap na Necrological Mass noong Linggo walang tigil ang pagluha ni Angelica habang ibinabahagi sa kanilang mga kaanak at kaibigan ang kanyang huling mensahe para sa ina. Sinabi ni Pastillas Girl miss na miss na niya ang kanyang nanay.

“Naalala ko noon lagi kaming nag-aaway kahit maliit na bagay. “Alam naman ng lahat kung gaano kadaldal at kaingay si Mommy. Sobrang tahimik na ng bahay namin. Siguro nga totoo yung sinasabi nila na sa huli ang pagsisisi.

“Tsaka mo na lang mari-realize ang kahalagahan ng isang tao kapag wala na siya sa ‘yo,” pahayag ni Angelica. Mas lalong napahagulgol ang dalaga nang sabihin niya sa harapan ng mga taong nakiramay sa kanilang pagdadalamhati kung gaano niya kamahal ang kanyang ina, “Ngayon naiisip ko, paano kung nasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal? Paano kung mas binigyan ko siya ng atensiyon? Paano kung naging mas mabuting anak ako sa kanya?” aniya pa.

Bago niya tapusin ang kanyang eulogy, sinabi ni Angelica na ang tanging hiling lang niya ngayon ay ang mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa ina, “Napakabuti mong tao, Mommy.

Hindi ko man maintindihan kung bakit nangyayari ito sa ating lahat, siguro nga may magandang plano ang Diyos.” Matatandaang binaril si Teresita malapit sa isang karinderya sa Caloocan ng isang lalaking nakasumbrero at naka-white t-shirt.

Bagamat naisugod pa sa ospital ang ina ni Pastillas Girl ay hindi na rin ito nabuhay dahil sa tinamong tama ng baril sa likod ng ulo. Sa huling report ng pulisya, isinurender na ni Angelica sa National Bureau of Investigation ang cellphone ng ina na naglalaman ng mga natanggap nitong death threats bago siya paslangin.

Ilang kaanak ng biktima ang nagsabi na posibleng may kinalaman sa kaso ang dalawang ex-boyfriends ni Teresita. Isa diumano rito ang nag-send ng text message sa biktima na kung hindi rin lang daw sa kanya mapupunta ang nanay ni Angelica ay hindi na rin ito pakikinabangan ng ibang lalaki.

Hindi rin isinasantabi ng mga imbestigador na posibleng may kinalaman sa politika ang pagpaslang sa biktima. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas ng official latest report ang NBI tungkol sa kaso.

Sa huling mensahe ni Angelica sinabi nitong kung may positibo mang bagay na idi-nulot ang pagkamatay ni Teresita, “Nakita ko na mas nagkaisa ang pamilya natin ngayon, na nagpunta ang maraming nagmamahal sayo Mommy. Siguro nga, napa-kabuti mong tao kaya kinuha ka agad ni Lord.”

Read more...