KZ, Sam, Kean, Michael, Denise pasok sa huling YFSF showdown

yfsf final

Lima sa halip na apat lang ang maglalaban-laban sa gaganaping grand finals ng reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar Season 2.

In-announce ng host ng show na si Billy Crawford na limang celebrity contestants ang pumasok sa final showdown matapos i-tally ang score ng mga kalahok mula week 1 hanggang week 13.

Nag-tie kasi sa final score sina Denise Laurel at Michael Pangilinan.  Ang tatlo pang nakasama sa grand finals ay sina Sam Concepcion, Kean Cipriano at KZ Tandingan.

Base sa ipinakitang official final tally ng score, si Kean ang nanguna sa listahan with 245 points habang nasa ikalawang pwesto naman si KZ na nakakuha ng 242.

Nasa third spot si Sam with 239 at sina Denise at Michael nga ang nasa ikaapat na pwesto with 216 points. Nabigo namang makapasok sa huling labanan sina Eric Nicolas (198 points), Kakai Bautista (196) at Myrtle Sarrosa (164).

Sa susunod na linggo, maghaharap muli ang limang grand finalists para sa last showdown ng YFSF. Sinu-sino nga kaya ang gagayahin ng mga napiling final contenders? At sino kaya sa limang celebrity contestants ang tatanghaling second Your Face Sounds Familiar grand champion?

Iyan ang tutukan sa dara-ting na Sabado at Linggo sa huling pasabog ng Your Face Sounds Familiar Season 2 live from the Resorts World Manila.

Read more...