Sulat mula kay Mercy ng Luna, Claveria, Misamis Oriental
Problema:
1. Nag-aaplay po ako sa abroad sa ngayon at naghihintay na lang ng tawag ng aking agency, pero magda-dalawang buwan na akong naghihintay hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya kinakabahan po akong baka “na-fake o na-illegal recruiter” ako kaya na isipan kong sumanguni sa inyo.
2. Nais ko pong patingnan sa inyo ang aking palad at ang aking kapalaran kung may Travel Line po ba ako at kung sakaling ako ay makapag-aabroad magiging maayos kaya ang buhay ko sa nasabing bansa, sa Dubai kasi ako nag-aaplay bilang D.H. ano po ba ang mangyayari sa akin doon kung sakaling maalis ako at kailan kaya ako makakaalis? June 14, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Mercy ng Misamis
Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing sa tulong ng isang babaing isinilang sa zodiac sign na Libra, mas mapaabilis ang iyong pag-alis at sa sandaling nasa ibang bansa ka na at ang naging employer mo doon ay isang Libra o kaya’y Aquarius, tiyak na sa nasabing pag-aabroad magiging mabunga at mabiyaya ang resulta.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka tuloy-tuloy na ang iong suwerte at mga biyaya, dahil maraming mga pagpapabalik-balik sa ibang bansa ang itatala sa i-yong kapalaran hanggang sa umunlad pa ng umunlad lalo ang inyong kabuhayan.
Graphology:
Ipagpatuloy mo ang maganda mong lagda, at lalong gaganda ang iyong kapalaran kung ang pinaka-paa ng dulon letrang “a” sa iyong pirma ay gagawin mong straight line. Sa ganyang paraan sa larangan ng career at paghahanap-buhay susuwertehin ka na.
Huling payo at paalala:
Mercy ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat panghinaan ng loob o mag-isip na baka na-fake ka o na-illegal recruiter ka, dahil si-gurado na ang magaganap sa paglipas ng humigit kumulahng na dalawang buwan pa mula ngayon, sa 2016 sa buwan ng Pebrero o kaya’y Marso bago sumapit ang edad mong 34 may isang napaka-bunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran na ang pag-aabroad na ito ay siya na ring magiging simula upang ang kabuhayan ng buong pamilya ay lalo pang umunlad ng umunlad.