Makapag-aabroad na sa darating na taong 2016
Sulat mula kay Mercy ng Luna, Claveria, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Nag-aaplay po ako sa abroad sa ngayon at naghihintay na lang ng tawag ng aking agency, pero magda-dalawang buwan na akong naghihintay hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya kinakabahan po akong baka “na-fake o na-illegal recruiter” ako kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Nais ko pong patingnan sa inyo ang aking palad at ang aking kapalaran kung may Travel Line po ba ako at kung sakaling ako ay makapag-aabroad magiging maayos kaya ang buhay ko sa nasabing bansa, sa Dubai kasi ako nag-aaplay bilang D.H. ano po ba ang mangyayari sa akin doon kung sakaling maalis ako at kailan kaya ako makakaalis? June 14, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Mercy ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang may malinaw at kitang-kitang Travel Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin hindi ka dapat kabahan na baka na-fake o na illegal recruiter ka, dahil sa takdang panahong inilaan ng kapalaran may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Six of Clubs at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2016 tiyak ang magaganap, sa buwan ng Enero hanggang Hunyo, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang magaganap sa iyong kapalaran at ang nasabing pag-aabroad ang siya na ring magiging simula upang tuloy-tuloy na gumanda ang kapalagtayang pang-pinansyal ng iyong kabuhayan.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.