Yeng Constantino bagong tattoo ang b-day gift sa sarili

yeng constantino

 

BAGONG tattoo ang regalo ni Yeng Constantino sa kanyang sarili when she celebrated her 27th birthday recently. Ito rin ang unang kaarawan ng Kapamilya singer bilang isang married woman.

Sa kanyang Instagram account nag-post si Yeng ng isang photo kung saan makikita ang kanyang bagong tattoo sa kanyang batok na may caption na: “Birthday gift to my self.”

Kasabay nito, inamin ni Yeng na nagiging emosyonal siya kapag sumasapit ang kanyang kaarawan lalo na noong single pa siya. “But God is good. When He shows you kung gaano ka ka-valuable sa Kanya, gumaganda ang buhay. Nawawala lahat ng doubt sa sarili pati sa future.

“Yung assurance na di Niya ko iiwan ang solid na anchor ko. Alam ko na sa lahat ng adventures pa na dadating, whether sa career man or relationships or kahit ano pa man, alam ko na kasama ko Siya.

“Kaya salamat sa Panginoon sa buhay kong ito. I hope na magamit ko ang buhay na binigay Mo po sa akin sa mas maganda pang mga bagay at palagi ko lang ma-enjoy ang paglalakbay,” litanya ni Yeng.

Sa mga nakaraang post ni Yeng sa IG, lagi siyang nagpapasalamat sa pagda-ting ng kanyang asawang si Victor “Yan” Asuncion sa kanyang buhay. Ikinasal ang dalawa noong Feb. 14 2014 sa Hacienda Isabella, Tagaytay City.

 

Read more...