Panalung-panalo ang guesting ni Piolo Pascual sa second night ng “From The Top” concert ni Sarah Geronimo na ginanap sa Araneta Coliseum last Sunday.
Kinilig ang libu-libong Popsters sa palitan ng punchlines ng dalawa on stage, lalo na nang mag-duet na sila. Tiyak namin na kung nanonood si Matteo Guidicelli that night ay nakaramdam ito ng selos, aminin man niya ito o hindi. Ha-hahaha!
Ayon kay Piolo hinding-hindi niya malilimutan ang na-ging experience niya habang ginagawa nila ni Sarah ang pelikulang “The Breakup Playlist.” Dito inamin naman ni Sarah na, “Muntik na akong ma-in love sa iyo du’n!” na talagang i-kinagulat ng audience sabay hiyawan.
Mabilis namang bawi ng Popstar Queen habang humahagikgik, “In love naman talaga ako kay Papa P. Walang ma-lisya!” Hirit naman ni Papa P, “Gusto mo talaga pag-usapan natin dito?!”
Sagot naman ng dyowa ni Matteo, “Walang malisya! Posible yun, mga kaibigan ha. Posible yun na ma-in love ka sa tao nang walang malisya.” Pagkatapos nilang kantahin ang “Paano Ba Ang Magmahal” humirit uli si Sarah ng, “Peej (tawag niya kay Piolo), paano ba talaga magmahal?” Na sinagot naman ni Piolo ng, “Sabihin mo sa akin kung paano magmahal kasi kailangan kong matuto, e.”
Tugon naman ng singer-actress at box-office queen, “Hindi ko nga alam, e. Si Lord lang talaga ang nakakaalam.” Binati naman ni Piolo si Sarah dahil napuno na naman nito ang Big Dome, “Si Sarah Geronimo lang ang nakakapuno ng Araneta, not just once, pero twice! “Congratulations, Sars! Sana magkatrabaho tayo uli.”
Nagyakap pa ang dalawa bago tuluyang bumaba ng stage si Papa P. Pinasalamatan naman ng Popstar Queen si PJ sabay sabing, “Napakagwapo talaga at napakabait.”
“Susmaryosep! Teka nga, nagda-dry ang throat ko sa kaguwapuhan ni Papa P. Alam niyo iba klase talaga si Papa P, ‘no? Ibang iba talaga ang kilig na dinadala niya sa iyo.”