Duterte hindi magpapabasbas sa pari
Walang balak ang presidential aspirant na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na magpabasbas sa pari kapag siya ay namatay.
At ayaw din ni Duterte na iburol ng matagal gaya ng ginagawa sa mga namatay na Katoliko.
“I write in my Last Will, cremate me within 24 hours. Walang misa-misa, yung pagganun-ganun ng tubig (basbas ng pari) wala. Magmisa pa bayaran mo pa ang pari,” ani Duterte na proklamadong kandidato ng PDP-Laban.
Sinabi ni Duterte na konti lamang ang kanyang ipon na nais niyang gamitin kapag siya ay nagretiro.
“Alam ko pag dumating ako sa edad mag retire I only have so many, to pay for hospital bills, medisina, oxygen pati yung memorial fund pero sa akin ay cremation ako,” saad ng alkalde.
Nagbabala rin si Duterte na mawawalan ng tagasunod ang Simbahang Katolika kung hindi ito magkakaroon ng reporma.
“The Roman Catholic Church must reform or they become extinct three to five generations from now, walang maniwala dyan,” dagdag pa nito.
Suportado rin ni Duterte ang pagkontrol sa populasyon na kailangan umano upang hindi kapusin ng resources ang bansa.
“We have to decrease or population because our resources are meager.”
Si Duterte ay nakilala sa kanyang matigas na pagsasalita at pagpapatupad ng batas sa Davao City.
Sa kanyang pagtakbo, nangako si Duterte na pagagandahin ang buhay ng mga Filipino at hindi umano durugtong sa kalbaryong ibinigay ng mga nagdaang pangulo.
Reply, Reply All or F
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.