P89M nakuha sa QC

lotto for site
Isang mananaya sa Quezon City ang nanalo ng P89 milyong jackpot prize sa huling bola ng Mega Lotto 6/45.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Congressional Avenue.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 14-43-45-5-15-37.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo at kung hindi ay mapupunta ito sa Charity Fund ng PCSO.
Nanalo naman ng tig-P39,840 ang 34 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
Tig-P740 naman ang 1,452 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 25,681 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...