Anong suwerte kaya ng dumapo sa isang lotto outlet sa Muntinlupa City kung saan tumaya ang dalawang mananaya na maghahati sa P6.8 milyong jackpot prize ng Lotto.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga nanalo ay tumaya sa Tunasan, Muntinlupa.
Sila ng nakakuha ng mga numerong 42-40-22-28-5-30 na lumabas sa bola noong Sabado ng gabi. Hindi naman umano imposible na magkapamilya ang dalawang nanalo kaya pareho ang numero na kanilang tinayaan o iisang tao lamang ito na dalawang beses tumaya.
Nanalo naman ng tig-P18,800 ang 33 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P370 naman ang 1,311 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ng P20 taya ng 19,066 mananaya na nakatatlong numero.
MOST READ
LATEST STORIES