Chito niregaluhan ng baril si Neri; pero masamang pangitain daw

chito miranda

Malapit na ang Pasko kaya naman inuna nang regaluhan ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar ang misis niyang si Neri Naig. Proudly, ipinost pa ni Chito ang kanyang gift sa kanyang Instagram account. Naloka ang lahat kung ano ito.

Baril. Yes, ‘yan ang iniregalo ni Chito sa kanyang asawa. Baliw na baliw kasi si Chito sa baril. In fact, firing ang kanyang libangan kapag wala siyang gigs. Marami rin yata siyang pag-aaring baril na lahat naman ay lisensyado.

Kaya lang, marami ang naloka sa kakaibang gift ni Chito sa kanyang asawa. One guy commented, “Masamang pangitain. Maniwala kayo.” “That’s Stupid gift ever I’ve heard!” tili naman ng isa pa.

“Wala naman masama kung lisensiyado at yung niregaluhan ay may alam at responsableng tao,” pagtatanggol naman ng isang fan ni Chito.

Read more...