Korina: Poor na ‘ko, wala na akong sweldo sa TV patrol!

mar roxas

NAGBENTA talaga ng mamahaling relo si Korina Sanchez para makabili ng artificial legs. Ito’y ibinigay niya sa isang kasambahay na wala nang paa na siyang nagpabago sa buhay nito.

Nakachika ng mga showbiz reporter ang award-winning broadcast journalist sa Christmas party na in-organize nila ni dating DILG Sec. Mar Roxas para sa entertainment press kamakailan at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa pagbebenta niya ng relo na milyones ang halaga.

“Aanhin ko ‘yun, sobrang mahal. One and a half years, nasa kahon ha, brand new. On my 50th birthday, I wanted a concert. Ako lang at puro mga kaibigan ko ang papalakpak sa akin. “I had a repertoire, hindi natuloy.

Na-depress ako kasi namatay ang auntie ko. So hindi natuloy. The year after, I still wanted to celebrate my 50th, so what’s the meaningful way? I decided to buy artificial legs,” kuwento ni Korina.

Nag-celebrate ng kanyang 51st birthday ang news anchor noong Oct. 5 at sinabi nitong talagang na-inspire siya sa kasambahay na niregaluhan niya ng artificial legs, “I met Che Che.

She is a housemaid. Eight years ago, maid siya. Sumulat sa akin. Humihingi ng pamasahe. “Nang malaman kong wala siyang legs, sabi ko, ‘Bigyan ko kaya ito?’ Binigyan ko siya (ng paa).

One year later, she is a mountaineer. She climbed Mt. Pulag and she met her husband while mountaineering, Amerikano. Ang ganda ng buhay niya ngayon!” chika pa ng misis ni Mar.

Muli raw nagkrus ang landas nila ni Che Che, “Yes, I met her again. And then I realized, my god, P40,000 ang isa.” Kaya kung 50 artificial legs ang bibilhin niya, aabot sa P2 million ang magagastos niya.

Hanggang sa maging isa na nga ito sa kanyang mga adbokasiya. Naghanap pa siya ng ibang mabibigyan ng artificial legs sa iba’t ibang bahagi ng bansa, “Pinahanap ko talaga yung kuwento ng buhay. ‘Yung isa, anak ng magsasaka. Kailangan talaga mahirap.

“‘Yung isa, araw-araw kinakarga ng nanay papunta ng school. ‘Yung ganung tipo. And everyone has a story, and that’s more meaningful. I made a difference in 50 lives,” sey pa ni Korina.

Sa susunod, plano naman daw niyang magbenta ng painting na may sentimental value sa kanya, “Poor na ako. Wala na ‘kong suweldo sa TV Patrol,” natatawang chika pa ng broadcast journalist.

“E, kasi, lahat ng paintings ko, hinulug-hulugan ko buwan-buwan. Mayabang kasi ako. Ayokong humihingi ng pera kay Mar. You know, I have my obligations. “Maraming nakasandal sa akin.

Meron akong amortizations ng mga pinagbibili kong properties. Ayokong hingin kay Mar yun,” pahayag pa nito. May nagtanong naman sa misis ni Mar kung totoong libu-libo ang ibinibigay na allowance sa kanya ng asawa, natawa muna si Korina sabay sabing, “Ha? Kailan ‘yun, kailan? Sana mangyari.

Paringgan mo nga! I never asked money from him.” Hirit pa nito, “Mar is not materialistic. Hindi siya nagbibigay ng alahas. Ang mga nagiging gift niya sa akin, life coaching. Ang mahal nu’n! Sa London ‘yun. Life coaching is like a one week.

“Uy, nakita ko rin naman ang kanyang point of view. Aanhin ko rin ang alahas. Baka ibenta ko lang din ‘yun?” sey pa ni Korina. Samantala, muling nilinaw ni Korina ang chika na binayaran nila ng milyun-milyon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para iendorso si Mar sa 2016 presidential elections.

Aniya, kaibigan niya si Karla Estrada at ito ang una nilang kinausap para makuha ang suporta nina DJ at Kath. “Wala kaming ganu’ng milyon. Believe me, oh my God, nagbabalak nga akong magbenta ng paintings ko! Ang dami ko pang gustong gawin…I wish,” pahayag pa ni Korina.

Read more...