SOBRANG na-miss ni John Lloyd Cruz si Angelica Panganiban who is now in the US for a short vacation kaya naman pinadalhan niya ito ng flowers with this message: “Come home soon, love. I miss my Sunshine.”
Ang loka-lokang Angelica naman, inakala na padala ng isang friend niya ang flowers kaya naman ganito ang kanyang message sa kanyang Instagram account: “Tinalo mo si Idan (John Lloyd’s nickname) sa pagka sweet!!!”
Pero hindi pala ang friend niya ang nagpadala ng flower kaya naman sa second tweet niya ay ito na ang nakalagay: “Take 2….May mensahe pala.. Si Idan pala ang sweet.”
Actually, natsismis na hiwalay na sina Angelica and John Lloyd because of this message which the former sent to TV host Lourd de Veyra na puring-puri sa kanya sa performance niya sa “Beauty In A Bottle”: “I was checking my private messages in Instagram.
Naalala ko yung kilig ko dito.” “Kinilig talaga ko. Naalala ko yung TVC scene shooting nito. Iniiwan ako ni (Dan Villegas) sa shot. Binibitawan niya yung camera dahil tawang tawa siya.
Tapos halos lahat kayo nasa labas na ng set dahil d ko matawid yung eksena kakatawa miss ko kayo. Gawa na ulit tayo ng pang baliw. Im free as a bird now! Huwaw!”