Baby nina Marian at Dingdong inuulan ng offer sa commercial

marian rivera

Tulad ng inaasahan ng lahat, tila anghel ngang bumaba sa lupa ang itsura ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Napakaganda ni Baby Letizia sa mga litratong ipinost ng mag-asawa sa kanilang Instagram account.

Balitang napakarami nang natatanggap na offer nina Marian at Dingdong para gumawa ng TV commercial ang sanggol, pero wala pa raw tinatanggap ang GMA Primetime King and Queen.

Mismong si Marian na ang nagsabi noon na gusto muna nilang i-enjoy ni Dingdong ang kanilang first baby bago nila ito payagang gumawa ng commercial. Sa kanyang Instagram account, ilang litrato ni Baby Letizia ang ipinost ni Dingdong, pero ang pinakapaborito niya raw sa lahat ay ang nasa pahinang ito kung saan nakabalot sa lampin ang baby.

“I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10,” ang caption niya sa nasabing picture. Sey naman ni Marian sa kanyang IG, “41 weeks akong nag hintay , 18 hrs na nag labor.

Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko, @dongdantes.

“At sa araw nga na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga ta-yong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako, at siya- si Maria Letizia. Ngayon, masasabi ko na tayo’y isa nang ganap na pamilya, at ako’y isa nang ganap na ina.

Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia” dagdag pa ng aktres.  Samantala, bukod sa pag-aalaga sa kanyang pamilya, active rin ngayon si Dingdong pagdating sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang aspeto ng Climate Change.

Layunin niyang maturuan ang kanyang bawat Filipino na maging handa sa lahat ng mga sakunang maaari nating maranasan sa mga darating pang panahon. Ngayong Linggo (Dec. 6), mapapanood sa SNBO ng GMA ang 2Degrees, isang dokyumentaryong patungkol sa Climate Change.

Kasama ng Kapuso Primetime King sa napapanahong dokumentaryong ito ang GMA News personality na si Jiggy Manicad. Hosted by Dingdong, this documentary will aim to answer all the questions that each of these fathers have about the causes of the most devastating natural calamity that struck the Philippines this decade – typhoon Yolanda.

Sabi nga ni Dingdong, “This is the right time to be informed. Learn more about climate change and realize the pressing need to take action with this special documentary.”

Read more...