Babalik pa ba ang BF na matampuhin?

Sulat mula kay Mai ng Dalisay, Alloran, Misamis Occidental

Dear Sir Greenfield,

May boyfriend ako sa ngayon ang problema nagkatampuhan kami ng minsang mabasa niya sa cell phone ko na may nag-text sa akin ng “I love you”, pero hindi ko naman talaga kilala ang number na yon. Akala nya nakikipag landian pa ako sa ibang lalaki, kaya mula noon di nya na ako tinetext at pinupuntahan sa bahay mag dadalawang linggo na. Balak ko sana siyang kausapin at kahit wala akong kasalanan sa kanya ako na ang hihingi ng sorry tapos siya na rin ang paghahawakin ko ng cell phone ko para hindi na lang kami magka-galit. Willing akong gawin ang lahat para magkabalikan kami kasi mahal na mahal ko siya. Sa palagay nyo Sir Greenfield pag nagpakumbaba ako at ako na ang unang humingi sa kanya ng sorry maglulubag na kaya ang selos niya at pagtatampo. Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan? February 7, 1991 ang birthday ko at October 13, 1990 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Mai ng Davao City

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang naging seryoso at totohanang boyfriend mo sa bandang huli, malaki ang posibilidad na kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pabuo ng isang simple pero masayang pamilya balang araw.

Cartomancy:
Puwede ka ng magsaya at magtatalon sa galak, ito ang nais sabihin ng barahang Two of Hearts, Nine of Hearts at Queen of Hearts. Tanda na hindi matatapos ang taong ito ng 2015, sa buwan ding ito ng Disyembre, gumawa kaman o hindi ng hakbang upang magkabalikan kayo ng BF mo, sa bandang huli yon din naman ang kusang mangyayari, kung saan, habang lumalamig ang panahon at unti-unti ng lulamapit ang Simbang Gabi, ang dating masarap at nakakililig na relasyon ay kusa ng mabubuo.

Itutuloy….

Read more...