Horoscope, December 05, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan isang kaibigan ang magkakatagpo may iaalok na pagkakakitaan – sunggaban agad, pagkakataon mo na para madagdagan ang iyong income. Sa pag-ibig, sa isang Gemini matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Red at violet ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Iwasang maging mainitin ang ulo. Sa pagiging mahinahon, mas lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig habang nagpapakabait lalong sasarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Orange at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa sa iyo na nagiging dahilan upang bumagal ang dating ng pera. Sa pag-ibig, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi mapahamak. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposibleng maganap. Sa pinansyal at pag-ibig, habang nangungulila sa kasuyo lalo namang madadagdagan ang salapi. Sa dakong hapon hanggang gabi, may isang hindi inaasahang romansang magaganap. Mapalad ang 4, 17, 28, 31, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Yellow at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22 – Magkakapera ng malaking halaga kung lagi kang magdidikit sa isang Capricorn. Kapag nagkapera, paglaanan ang nalalapit na pasukan upang mas maging maligaya ang pamilya. Mapalad ang 2, 7, 16, 28, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Tama ang ginagawa paglalaan ng oras sa page-exercise, para magpa-sexy. Mahirap talaga ang tumataba lalo na’t magpapasko pa naman. Habang gumaganda ang hubog ng katawan, lalo ka namang mapapamahal sa iyong kasuyong sayo’y takam na takam. Mapalad ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu- Veda-Om.” Red at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Sa pinansiyal, paglaanan ng maraming pera ang iyong kinabukasan. Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon ipalasap sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Artam-Om.” Green at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)- Lingid sa iyong kaalaman maraming humahanga sa iyo. Sa unang araw ng Simbang Gabi may magandang regalong matatanggap buhat sa isang secret admirer. Mapalad ang 6, 12, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhar-Masya-Om.” Pink at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –Hindi mo napapansin inuuto at sinasamantala ka lang nila. Ipakita sa minamahal at sa mga kaibigan na marunong ka ring magalit upang hindi sila umabuso. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nameh-Om.” Green at black ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Panahon na upang itaas mo pa ang iyong mga pangarap. Mag isip ng negosyong sa iyo ay magpapayaman. Hindi dapat makuntento sa kasalukuyang kinikita , kailangang pag handaan ang future. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) –Iwasan ang isang hangal na pag-ibig hatid ng isang nilalang na medyo chubby o mataba. Sa pinansyal, wag ubusin lahat ang perang hawak sa maluhong Holiday Season, ngayon palang pag handaan mo na rin ang Bagong Taon at Valentine’s day. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Silver at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) –May bababala ng karamdaman. Pahinga muna sa tabaho. Mag-libang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook. Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, may babala na ikaw ay mapapahamak. Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Puranha-Om.” Maroon at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Kung palagi kang panghihinaan ng loob walang mangyayari! Tama ang kasalukuyang ginagawa – maging matapang! Sa pag-ibig, lakas ng loob ang susi upang mapagwagian ang puso ng minamahal. Mapalad ang 5, 13, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ava-Yara-Om.” Magenta at lilac ang buenas.

Read more...