NASUNOG ang isang palengke sa Dauin, Negros Oriental kaninang madaling araw, kung saan umabot sa 76 na puwesto ang natupok at tinatayang P11 milyong halaga ng ari-arian ang naabo, ayon sa mga otoridad.
Wala namang nasaktan sa sunog na nagsimula ganap na alas-12:30 ng umaga mula sa tindahan na pag-aari ng isang Cristina Siason kung saan agad na kumalat ang apoy sa iba pang mga tindahan, sabi ng pulisya.
Apat na puwesto lamang ang sinwerteng hindi nadamay sa sunog.
Bukod sa mga firetruck ng bumbero mula sa Dauin, dumating din ang mga firetruck mula sa Dumaguete City at mga bayan ng Bacong at Zamboanguita at Fil-Chinese fire brigade.
Naapula ang ang sunog makalipas ang dalawang oras.
MOST READ
LATEST STORIES