Regalo sa Pasko, kapalit ay boto sa Mayo

MARAMING politiko na ang nag-iisip na sa isang taon na lang mag-Christmas party, at ang gugugulin sa salu-salong taun-taon ay ginaganap sa Disyembre ay ibigay na lang sa mga biktima nina Ondoy at Pepeng at tulungan ang mga nagkakasakit at namamatay sa leptospirosis.
Si Speaker Prospero Nograles ay nagpanukala sa kapwa mambabatas sa Kamara na huwag na silang magbigay ng regalo sa isa’t isa, bagkus ay ibili na lang ng relief goods.
Magagandang balak.  Mga makahulugang adhikain at gawain.  Pero, mangyayari kaya ang mga ito?
Mismong politiko na rin ang sisira sa plano.  Ang Disyembre ay Pasko at nasa kasagsagan na yan ng kampanya para sa national candidates.
Puwede bang walang regalo?  O mas bagay ang regalo sa Pasko dahil kapalit ay boto sa Mayo?

Lito Bautista
BANDERA, 101609

Read more...