Balsa lang ang katapat

MAY bagyong darating na naman, ayon sa Pagasa kahapon.  Sakmal na naman ng pangamba’t takot ang mga residente ng Marikina, Pasig at Cainta sa Rizal.  Pero, bale wala ito sa Malabon at Navotas.  Kung may namatay man sa Malabon at Navotas nang manalasa si Ondoy, iilan lang ito.  Sanay na sa baha ang mga tagarito.  Balsa lang ang katapat ng baha at high tide.  Kapag may malalaking styrofoam sa basurahan ng mga pabrika ay nag-aagawan ang mga residente.  Iniipon ang malalaking styrofoam para gawing balsa.  Ang malaking balsa ay kayang magsakay ng isang pamilya at motorsiklo.  At mas mura ang balsa kesa rubber boat.

Rodrigo Manahan
BANDERA, 101609

Read more...