Blind item: Madaldal na female celebrity nabuking ang katrayduran

NAPAGKUWENTUHAN sa isang umpukan ng mga reporter ang kuneksiyon ng isang personalidad sa social media sa isang sikat na female personality.
Kung matatandaan ay maraming inilabas na kuwento ang nasabing personalidad laban sa isa pang sikat na babaeng personalidad. Nang mag-one-plus-one ang magkakaumpukan ay natunton ng mga ito na ang mga inilalabas na kuwento ng social media personality ay nanggagaling mismo kay Female Personality A.
Kuwento ng isang source sa umpukan, “Naalala n’yo, ang nag-bridge sa dalawa, e, ‘yung kilalang becki na mahilig umepal. Kilalang-kilala ang becking ‘yun sa pagiging social climber, di ba?
“So, ang nagpakilala kay social media personality at kay sikat na Female Personality A, e, ang becking ‘yun. Nag-dinner pa nga sila, inilabas pa ng becki ang picture nila sa Instagram.
“At mula nu’n, kaliwa’t kanan nang paninira kay sikat na Female Personality B ang lumalabas mula sa teritoryo ng social media personality. Sino pa nga ba ang pinagmumulan ng mga kuwentong ‘yun?
“E, di si sikat na Female Personality A? One-plus-one lang naman ‘yan, e. Bakit mula nu’ng maging chika na ‘yung dalawa, e, saka lang naglabasan ang mga nakakalokang kuwento tungkol kay sikat na Female Personality B?” tanong-opinyon ng aming source.
Pero inaalat na ngayon ang social media personality, marami nang bumabangga sa kanya, may mga kilalang personalidad nang hindi naaaliw sa kanyang mga pinaggagagawa.
Sundot pa ng aming impormante, “At hindi na gaanong nabibira ngayon si sikat na Female Personality B, wala na kasing source ‘yung social media personality, iniwan na siya ng friend niyang sikat na babaeng personalidad dahil nagkakaipitan na.

Read more...