Dalawa ang BF, sino ang mapapangasawa? (2)

Sulat mula kay Carol  ng Nagba, Cuartero, Capiz
Problema:
1. Dalawa ang boyfriend ko sa ngayon, pero hindi nila alam na dalawa sila sa buhay ko. Ang una ay isang engineer na isinilang noong September 9, 1986 at ang ikalawa naman ay isang seaman na isinilang noong April 2, 1988. December 10, 1990 naman ang birthday ko. Itatanong ko lang sana sa inyo kung sino sa dalawang boyfriend ko ang mas ka-compatible ko at dapat kong mapangasawa, si Mr. Virgo po ba o si Mr. Aries? Gusto ko na kasing mag-asawa at inaaya na nga akong pakasal ng boyfriend kong seaman na si Mr. Aries pag-uwi o pagbaba niya ng barko sa darating na June 2016. Samantalang iyon naman BF kong engineer na si Mr. Virgo ay nag-aaya na rin, kahit anong oras ko raw gusto dahil may ipon na raw siya sa bangko.
2. Ayaw ko pong magkamali nang pagpili kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, upang malaman kung kanino ba sa kanilang dalawa ako higit na liligaya at magkakaroon ng isang maunlad at pang habang buhay na pamilya?
Umaasa,
Carol ng Capiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang isang Aries kung ikukumpara sa isang Virgo kaya nga ang Astrology ang nagsasabing mas magiging maligaya ka sa BF mong seaman na may birthday na April 2, 1988.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay isang strong number na may ruling planet na Sun, kung saan, bagay na bagay ito sa isang weak number na dalawang boyfriend mong Aries na ang numerong 2 ay may ruling planet na Moon. Ang pagsasama ng Sun at Moon ay sadya ngang magiging masagana, maligaya at panghabangbuhay na.
Huling payo at paalala:
Sa makatuwid, Carol, walang pag-aalinlangan na higit mong ka-compatible ang boyfriend mong may birth date na April 2, 1988. Kaya nga sa pagpili ng lala-king pakakasalan, siya ang piliin mo, upang kapag nagsasama na kayo, matitiyak at magaganap ang isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Read more...