Shortcut sa paghabol sa SSS benefits

MAGANDANG araw po sa lahat!

Gusto ko po sanang humingi ng tulong kung papaano ang shortcut na gagawin para mailakad ko na po yung pension ko. Nung minsan nagpunta ako sa office ng SSS Alaminos, nagkataong offline, di na po ako nakabalik hanggang nakalipat na sila ng office.

May binigay silang form. Ang daming kailangan tulad ng dati kong employer na matagal na pong nagsara yung Bayani auto supply and shell service stn. At yung CFA Lending corp.. ni wala na pong bakas ng nakaraan. Paano po yun? Gusto ko naman pong maavail yung pinaghirapan ko. Ako po ay 63 years old na. Yung mga nakaraang hulog ko po nag self employed na po ako.

Umaasa,
Glory Cabrito Carambas
Alaminos City,
Pangasinan

REPLY: Ito ay tungkol katanungan ni G. Glory Carambas ng Alaminos City, Pangasinan ukol sa kanyang retirement benefit.

Para sa kanyang kaalaman, ipinagkakaloob ng SSS ang buwanang pens-yon sa miyembrong
umabot na ng 60 taong gulang, hindi na nagtatrabaho o hindi na self-employed at nakapaghulog ng 120 buwanang kontribusyon bago ang pag-reretiro gayundin sa miyembrong umabot na sa 65 taong gulang na nagtatrabaho pa o hindi na at nakapaghulog ng 120 buwanang kontribusyon bago ang semestre ng
pagreretiro.

Lump sum amount naman ang
ipinagkakaloob sa mga miyembro na kulang sa 120 buwanang kontribusyon ang hulog.

Batay sa aming rekord, si G. Carambas ay mayroong kabuuang 120 buwanang kontribusyon.

Hinihikayat namin na i-file niya ang kanyang retirement claim application sa Enero 2016 upang matugunan niya ang kundisyon na 120 buwanang kontribusyon bago ang semestre ng
pagreretiro at maging kwalipikado sa buwanang pensyon.

Kung mag-file siya ng retirement claim application bago Enero 2016 ay hindi siya magiging kwalipikado sa pensyon dahil papasok sa semester of contingency ang kanyang hulog mula
Hulyo hanggang Disyembre 2015 at hindi ito makakasama sa pagbibilang ng hulog. Bunga nito, magiging 117 lang ang buwanang kontribusyon niya at ang ibabayad sa kanya ay lump sum amount lamang. Kaya iminumungkahi namin na i-file niya ang kanyang retirement claim application sa Enero 2016.

Sa pag-file ng inyong retirement claim application, mangyaring dalhin ang mga sumusunod na mga dokumento:

Retirement Claim Application form
Savings account form
Certificate of Separation mula sa huling pinagtrabahuhan
Certified true copy ng kanyang birth certificate
Certified true copy ng birth certificate ng kanyang mga anak
Marriage contract
Dalawang valid ID

Ngunit kung hindi na makakuha si G. Carambas ng Certificate of Separation mula sa mga pinagtrabahuhan dahil nagsara na ang kumpanya, maaa-ri naman siyang magsumite ng Affidavit of Separation from Employment. Ito ay maaari niyang makakuha sa pinakamalapit na sangay ng SSS o kaya ay i-download sa SSS website, www.sss.gov.ph

Maraming salamat po.

Sumasainyo,
MAY ROSE DL.
FRANCISCO
Social Security Officer IV
Media Monitoring and Feedback Media Affairs Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...