LJ Reyes maligayang-maligaya sa piling ni Paolo Contis

LJ REYES AT POLO CONTIS

LJ REYES AT POLO CONTIS

HINDI pa rin masabi nang diretso ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang tunay na estado ng relasyon nila ni Paolo Contis. Ayaw din niya itong lagyan ng label.

“Okey naman, happy naman,” ang maikling sagot ni LJ nang matanong tungkol kay Paolo matapos ang ginanap na Christmas party ng PPL Entertainment Inc., para sa showbiz reporters and writers.

Sundot na tanong sa dalaga, paano niya ide-define ang pagiging “happy” nila ni Paolo? “Happy… kasi, feeling ko lang kasi, parang may isang tao ngayon na tumutulong sa ‘yo. I mean, yun, happy lang.”

Si Paolo lang ba ang naging karelasyon niya na nakakatulong sa kanya in any way? “Hindi naman, siguro ganun lang talaga siya as a person. Kapag merong special sa kanya, talagang sinasalo niya.

“Kasi kami, nakakapag-usap kami ng kahit ano. Kahit anong bagay, napag-uusapan namin,” dagdag ni LJ. “Basta masaya lang. Saka na lang nating sabihin yung label kung meron o wala.

“At saka, parang ang sa akin lang kasi, siyempre may mga bagay sa buhay namin na minsan, gusto naming private muna. Kasi minsan, di ba, ang hirap kapag lahat ibinibigay, ipinapaalam mo sa lahat.

“Tapos, nagiging kumplikado, kahit dapat hindi naman. Kahit naman tungkol kay Aki (anak ni LJ kay Paulo Avelino), kapag nagkukuwento ako sa inyo, ganun lang. Limited, hindi lahat.

“Kahit naman tungkol kanino, kahit naman sino sa buhay ko, ganun naman. Gusto ko na kahit paano, may nire-reserve pa rin akong privacy,” chika pa ng award-winning actress.

Kamakailan, sinabi ni Paolo na pinaliligaya siya ni LJ, “She makes me very happy. I hope I do the same to her.” Dagdag pa ng Kapuso actor, “She’s a very positive person, very nice, very humble. Yung kabuuan sobrang bait.”

Read more...