Mahalin si Digong

ANG ating mga talento ay ipinagkaloob ng Diyos hindi para sa pansariling kapakanan lamang. Kailangang gamitin ito sa ikabubuti ng lahat at tugunan ang pangangailangan ng mahihirap, ang ating kapwa. Pagninilay sa Ebanghelyo (2 Mac 7:1, 20-31; Slm 17:1bkd, 5-6, 8b at 15; Lc 19:11, 11-28) sa ika 33 linggo sa karaniwang panahon; sa muling pagdami ng mga nagugutom at nawalan at kawalan ng trabaho sa pagtahak sa pasang-krus na daan ng gobyerno.

Kahit araw-araw na i-p*tangina ni Rodrigo Duterte ang Santo Papa ay hindi ako magagalit. Nagdurusa ang Santo Papa kay Duterte, pero ito’y maliit na pagdurusa kumpara sa sinapit ni Hesu-Kristo. Mahal din naman ng Santo Papa ang pusakal na makasalanan at palamura, na tulad ni Duterte. Binastos ni BS (teka, hindi b*llshit yan) Aquino ang Santo Papa, pero hindi gumanti ang Santo Papa. Sa mata ng Diyos, ang lahat ng makasalanan ay anak din niya at hahatulan pagdating ng panahon.

Bilang cerrado Catolico at nananahan malapit sa National Shrine of the Divine Mercy sa Santa Rosa 1, Marilao, Bulacan, mas mamahalin ko si Duterte dahil iyon ang utos ni Hesus, ang mahalin ang kaaway. Matindi rin naman ang sinasapit ng Santo Papa sa isang sekta, na tinatawag siyang Diablo tuwing may pagsamba; at sa isang kulto, na tinatawag ang Santo Papa na demonyo. Alam ni Duterte ang kultong ito.

Iba na pala ang ibig sabihin ng PDP-Laban. Partido ni Digong P*tangna-Lalaking Atat Banatan ang Nanahimik. Si Mon Tulfo ang kilala kong madalas bumulyaw ng p*tangina sa kanyang programa sa radyo at hindi ako galit dahil meron nang Supreme Court jurisprudence hinggil dito. Ang mayor na kinober ko noon na oras-oras ay may p*tangina sa bibig ay si Emiliano Caruncho, ang pinakamatagal na alkalde, at pinakamamahal, ng Pasig, na siyang nagpaunlad sa kabisera ng Rizal.

Maraming tagahanga si Joseph Scott Pemberton sa Caloocan City Jail. Pero, pinagtatawanan nila si Pemberton, na ang turan pa nila ay dakilang tanga. Nang alukin siya na, “You wanna f*ck?” sana’y kinapa niya bago siya sumagot ng, “Yes, sure.” Hindi na sana niya napatay ang badaf de lawit (ang badaf de lawa ay wala nang lawit). Ang mga siga sa hoyo, di pa nalalansi ng nakapalda sa Monumento. Ewan ko lang si Digong, na minsa’y sinundan ng tingin ang nakapalda.

Sa Cubao, Quezon City, sumasama ang pulis (retirado na siya ngayon) sa mga bakla na nag-aalok sa kanya. Pero, di niya ipinapasok ang bakla sa motel, kundi’y sa sinehan. At dahil matso guwapito ang di inakalang pulis, ay payag na rin ang bakla. Sa loob ng sinehan ay kinakapa agad ng bakla ang pulis. Nang magtanong na bakit napakatigas, .45 pistol pala ang nakapa; saka magpapakilalang pulis at kikikilan ang bakla.

Naalala ko tuloy ang matsong pulis na naging kumaintarista sa radyo. Nang italaga siya sa Northern Luzon, hinakot niya ang mga “kolehiyala” sa Odeon at dinala sa kanyang bagong assignment. Nang dumating sa pakbitan, pinagsuot niya ng uniporme (na nabili sa Vilda’s) ng FEU, UST, CEU at Holy Spirit ang mga “kolehiyala.” Ang akala ng nilasing na mga manong, naka-jackpot sila at kolehiyala pa.

Sagot ko sa tanong ni Texter …4561, kung bakit ang regular na pambungad ko ay mga Pagninilay sa Ebanghelyo: hindi ako mangangaral at ako’y deboto lamang ni Beato Jaime Alberione, na katatapos lamang ang kapistahan noong Nob. 26, ang patron ng press, mass media at media practitioners. Nakalulungkot na di ito alam ng maraming kabarong Katoliko. Ipinagpakasakit ni Alberione ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng komunikasyon, lalo na ang nagtutuwid sa kamalian at naggagabay sa naliligaw ng daan.

MULA sa Bayan (0916-5401958): Kawawa naman si Sen. Grace Poe. Matalino talaga si PNoy. Out si Grace at isusunod si Digong. Winner na si Mar. Pero di kami papayag na ikulong si Binay. Leano, Poblacion, Makati …9069

Read more...