Baby ni Dingdong at Marian nasilayan na ng publiko

SA unang pagkakataon matapos manganak si Marian Rivera noong Nobyembre, inilabas na ni Dingdong Dantes tor sa publiko ang larawan ng kanilang unang anak na si Maria Letizia.

“I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10. #MariaLetizia,” sabi ni Dingdong sa caption ng larawan na kanyang ibinahagi sa mga sumusunod sa kanya sa Instagram.

Kasalukuyang nasa 23,000 likes na ang hinakot ng post na ito ni Dingdong sa IG.

Nanganak si Marian noong Nob. 23 sa Makati Medical Center via normal delivery.  Nalaman ng publiko ang kanyang pagbubuntis noong Abril, apat na buwan matapos silang ikasal.

Read more...