Jinggoy kay Poe: Dasal pa more

jinggoy estrada
“Dasal pa more.”
Ito ang payo ni Sen. Jinggoy Estrada sa presidential aspirant na si Sen. Grace Poe na diniskuwalipikang tumakbo ng Commission on Elections Second Division.
“Pareho lang kami. Dasal pa more, pray pa more,” ani Estrada na dumalo sa pagdinig ng kanyang mosyon na makapagpiyansa sa kasong plunder na may kaugnayan sa tinanggap umano niyang P183 milyong kickback sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles.
Sinabi ni Estrada na nagka-usap na sila ni Poe at pinuri niya ito matapos ihayag ang intensyong tumakbo sa pagkapangulo.
“Saka kumare ko yun eh. Inaanak ko yung anka niya,” dagdag pa ng senador na umaasang makapagpapasko na sa kanilang bahay kapiling ang kanyang pamilya.
Nang tanungin kung sino ang sinusuportahan ng pamilya Estrada sa darating na halalan, sinabi ni Estrada na ‘wala pa’.
“Syempre si Sen. Grace she’s considered as a family friend. Si Vice President (Jejomar) Binay, the same thing is true. He is considered as a family friend. Si Mayor (Rodrigo) Duterte medyo malapit din na kaibigan namin. Si Sec. Mar (Roxas) naman ganun din, I think he is the most trusted cabinet member of President (Joseph) estrada when he was still the president.”
Nakakulong ang senador sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame. Mahigit isang taon na siyang nakadetine.

Read more...