12 opisyal na sabit sa pork barrel scam sinibak ng Ombudsman

Ombudsman Morales

Ombudsman Morales


Sinibak sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng National Livelihood Development Corporation, Technology Resource Center at binuwag na National Agribusiness Corporation kaugnay ng maanomalya umanong paggamit ng P54 milyong halaga ng pork barrel fund ni dating Benguet Rep. Samuel Dangwa.
Napatunayan umanong guilty ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa administratibong kasong Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sina Gondelina Amata, Chita Jalandoni, Emmanuel Alexis Sevidal, Ofelia Ordoñez, Filipina Rodriguez at Sofia Cruz, ng NLDC; Dennis Cunanan, Marivic Jover, Consuelo Lilian Espiritu at Belina Concepcion ng TRC at Victor Cacal at Romulo Relevo ng NABCOR.
Mula 2007 hanggang 2009 ay napunta umano sa iba’t ibang non-government organization na may kaugnayan kay Janet Lim Napoles ang pork barrel ni Dangwa sa tulong ng NLDC, TRC at NABCOR.
Bagamat nakuha ang pera, hindi umano totoo na napakinabangan ang mga proyekto na ginamitan ng mga peke o palsipikadong papeles.
“In spite of these deficiencies, respondent public officers Amata, Cunanan, Cacal, Relevo, Sevidal, Cruz, Jalandoni, Jover, Rodriguez, Ordoñez, Espiritu and Concepcion, with indecent haste, expedited the release of the PDAF disbursements to the NGOs affiliated with or controlled by Napoles. These foregoing acts of respondents constitute Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service,” saad ng 58-pahinang desisyon.

Read more...