Poe: Tuloy ang laban

poe-12022015-e1449030456512
SINABI ni Sen. Grace Poe na tuloy ang laban matapos namang tuluyan nang ibasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang petisyon ni Rizalito David na kumukuwestiyon sa kanyang citizenship.

“Sa aking mga kababayan para bigyan kayo ng kasiguruhan na tuloy po ang laban natin,” sabi ni Poe sa isang press conference.

Kasabay nito, sinabi ni Poe na hindi pa pinal ang desisyon kaugnay ng kanyang pagkakadiskwalipika sa pagtakbo sa 2016 presidential race matapos namang paboran ng Comelec second division ang petisyon na inihain ni Atty. Estrella Elamparo na kumukuwestiyon sa kanyang residency at citizenship.

idinagdag ni Poe na maaari pang makarating hanggang Korte Suprema ang kanyang disqualification.

Ayon pa kay Poe magiging mas madali ang kanyang pagtakbo kung pumayag siyang maging bise presidente ng pambato ng administrasyon na si dating Interior Secretary Mar Roxas.

“Alam ko mas magiging madali kung kasama ko sila at wala itong mga problemang ito kung kasama ko sila. Tanggap ko naman yun,” dagdag ni Poe.

Samantala, kinontra naman ni Poe ang naging pahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago matapos sabihin ng huli na may problema sa kanyang citizenship.

Read more...