Dalawa ang BF, sino ang mapapangasawa?

Sulat mula kay Carol ng Nagba, Cuartero, Capiz
Dear Sir Greenfield,

Dalawa ang boyfriend ko sa ngayon, pero hindi nila alam na dalawa sila sa buhay ko. Ang una ay isang engineer na isinilang noong September 9, 1986 at ang ikalaw naman ay isang seaman na isinilang nuong April 2, 1988. December 10, 1990 naman ang birthday ko. Itatanong ko lang sana sa inyo kung sino sa dalawang boyfriend ko ang mas ka-compatible ko at dapat kong mapangasawa, si Mr. Virgo po ba o si Mr. Aries? Gusto ko na kasing mag-asawa at inaaya na nga akong pakasal ng boyfriend kong seaman na si Mr. Aries pag-uwi o pagbaba nya ng barko sa darating na June 2016. Samantalang iyon naman BF kong engineer na si Mr. Virgo ay nag-aaya na rin, kahit anong oras ko raw gusto dahil may ipon na daw siya sa bangko. Ayaw ko pong magkamali ng pagpili kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, u-pang malaman kung kanino ba sa kanilang dalawa ako higit na liligaya at magkakaroon ng isang maunlad at pang habang buhay na pamilya?
Umaasa,
Carol ng Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda, na hindi ka seryoso sa isang boyfriend mo, bagkus mas seryoso o mas mahal mo i-yong isa. At ang mas mahal mo ay walang iba kundi ang lalaking isinilang noong April 2, 1988 at sa huling yugto ng iyong pagpapasya, malamang na siya ang piliin mong mapangasawa.

Cartomancy:
King of Clubs, Six of Diamonds at Five of Hearts ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bukod sa mas mahal mo si Mr. Aries na isinilang noong April 2, 1988, tunay ngang siya ang mas tapat at mas totoo sa kanyang pag-ibig sa iyo, kaya nga pag uwi niya sa taong 2016 sa buwan ng Hunyo, may dala siyang maraming pera at mas malamang na mamanhikan na sila sa in-yong upang pag usapan kung kailan kaya magpapakasal.
Itutuloy…

Read more...