Horoscope, December 03, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposible. Sa pinansyal, sa kabila ng unti-unti ng nasisimot ang laman ng wallet, biglang darami ang pera. Sa pag-ibig, yong isang tao na matagal ng hindi nagpaparamdam, biglang magte-text. Mapalad ang 3, 12, 21, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om.” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Isang dating kaibigan ang magkakatagpo may iaalok na pagkakakitaan – sunggaban mo agad, pagkakataon mo na para madagdagan ang iyong income. Sa pag-ibig, sa isang Sagittarius matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 30, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at lavender ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—May babala ng karamdaman, salabat ang mabisa. Sa pinansyal, kung iingatan ang kalusugan mas malaking halaga ng salapi ang matitipid. Sa pag-ibig, mas magiging masigla ang pagniniig kung kakain muna ng isang bagay na bilog, kulay puti at hinihigop. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Lilac at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Huwag hayaang mamatay ang sigasig! Kumilos ng kumilos ngayon upang tuloy-tuloy na lumago at dumami ang salapi. Sa pag-ibig, lalo pang iinit at sasarap ang romansa sa isang Libra. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Red at royal blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Panahon na upang iwasang maging mainitin ang ulo upang wag masira ang buong linggo. Sa pinansyal, sa pagiging mahinahon, mas lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, maging malambing sa minamahal upang wag na siyang mag hanap ng iba. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Green at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Pagpasensiyahan ang kasuyong walang kuwenta, darating ang panahong magiging matino at bubuti din siya. Sa pinansyal, talagang ganon wala talagang ibang maasahan kundi ang sarili mo. Dagdagan pa ang pagsisipag at pagtitipid upang umunlad. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Yellow at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Hindi ka dapat magsawa sa iyong ginagawa, alalahanin mong dyan ka kumikita ng salapi. Sa pag-ibig, tama ang suwestyon ng kasuyo, kailangang magkaroon kayo ng Christmas Party ng pamilya upang muling sumigla ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Violet at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Tama ang iniisip mong pagbibigay ng gift sa mga charitable institution na may kaugnayan sa mga bata. Sa ganyang espesyal na pagdiriwang ng pasko, na gagawin mo ng palihim, sa susunod na taong 2013, sa pinansiyal at pag-ibig susu-wertehin ka na. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kung hindi maglulubay sa mga maling na-kagawian kailan ka pa magbabago? Sa pinansyal, disiplinahin ang sarili upang makaipon. Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa, alalahanin mong ang lahat ng sobra ay masama! Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Lumalamig ang panahon, ngunit ang elementong init ang nagbibigay ng suwerte sa mga Sagittarius. Romansahin ng romansahin ang kasuyo hanggang mag-init ang inyong mga katawan. Sa kalakal na may kaugnayan sa apoy malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Mahirap talagang mawalay sa pamilya, su-balit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganon din naman siya sayo. Sa muli nyong pagkikita lalong sasarap ang romansa! Mapalad ang 4, 8, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Gray at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Inggit ang namamagitan sa inyong dalawa ng isang kaibigan, iwasan mo na siya. Sa pinansyal, iwasan ang mga taong may negatibong pagiisip upang wag masira ang iyong diskarte. Sa pag-ibig, hindi ang kasuyo ang dapat masunod, kundi ikaw! Mapalad ang 1, 10, 22, 29, 33 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat na lagi kang maging mabait! Hindi mo napapansin inuuto at sinasamantala ka lang nila ng masasamang mga nilalang. Sa pag-iibig, ipakita sa minamahal na marunong ka ring magalit upang hindi siya umabuso. Mapalad ang 7, 13, 25, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Green at black ang buenas.

Read more...