P90M jackpot bukas

lotto for site
Inaasahang aabot sa P90 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 bukas ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa winning number combination na 34-31-04-25-38-27 sa bola noong Miyerkules ng gabi.
Umabot sa P83.6 milyon ang jackpot prize sa naturang bola. Ang halaga ng inilalaki ng jackpot prize ay nakadepende sa dami ng tumaya para sa partikular na bola.
Nanalo naman ng tig-P50,000 ang 22 mananaya na nakalimang numero. Tig-P820 naman ang 1,226 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 24,326 mananaya na nakatatlong numero.
Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity fund at ang nalalabi sa operasyon nito.

Read more...