Tom nabwisit sa kumalat na tsismis: Wala akong pinakasalan sa Amerika!

tom rodriguez

Kumalat ang chikang kasal na raw sa Amerika ang Kapuso actor at dyowa ni Carla Abellana na si Tom Rodriguez. Ito raw ang dahilan kung bakit ayaw nang magsalita ng dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Sabi ng ilang netizens, may mga ebidensiya raw na magpapatunay na ikinasal na si Tom sa girlfriend nito sa US at posibleng niloloko lang daw nito si Carla.

Pero agad naman itong pinabulaanan ng leading man ni Megan Young sa seryeng Marimar. Sa pamamagitan din ng IG, ipinaabot ni Tom ang kanyang mensahe sa fans nila ni Carla, “Look…I am sure you both mean well…pero please lang sana wag bigyan ng kulay ang mga bagay na di dapat.

I have never been married my whole life and I have no problems with anyone.” Dagdag pa ng binata, “The only thing na naiisip ko is puyat sa trabaho pero normal lang po yon, lalo na ngayon na patapos na ang trabahong ginagawa ko.

I appreciate the concern, pero blindly coming to conclusions and assuming is never a good thing po…thank you.”

Read more...