Bela napatulala nang makaeksena si Maja sa ‘FPJ’s ang Probinsiyano’

bela padilla

SOBRANG starstruck pala si Bela Padilla kay Maja Salvador. Sa mga naunang eksena kasi nila sa FPJ’s Ang Probinsiyano napansin ng netizens na noong nagkaharap ang dalawang aktres na hindi pa alam ng una na patay na ang asawa niyang si Ador sa bahay na ti-nutuluyan nina Cardo (Coco Martin) at Onyok ay kitang-kita na parang tulala siya.

Oo nga, napanood namin ang eksenang iyon bossing Ervin at talagang acting na acting na si Bela dahil nahuli niya si Maja na akala niya ay babae ni Ador at anak nila si Onyok.

Si Maja ay mata lang ang pinagana sa nasabing eksena habang si Onyok ay winner sa facial expression kaya lutang na lutang ang acting ng dalawa.

“Siyempre, natulala si Bela kasi ba naman, Maja Salvador ‘yung nakaeksena niya, e, ang galing-galing ni Maja,” kaswal na sabi sa amin ng isang taga-Dos.

Dagdag pa nito, “Pero kita mo naman ngayon, palaban na si Bela, napapanood mo ba?” Oo naman, napapanood namin ang serye ni Coco at agree kami na hindi na starstruck si Bela kay Maja dahil kahit simple lang ang mga kilos nito sa isang eksena ay may da-ting na rin.

Anyway, kailan ba ipapa-interview sa pres si Onyok, bossing Ervin? Ang batang ito kasi ang gusto naming maka-one-on-one talaga sa mga pambatong miyembro ng cast ng Ang Probinisyano.

Read more...