Julia, Miles nagkakasakitan sa taping ng And I Love You So

miles ocampo

Magkaribal na magkapatid ang roles nina Miles Ocampo and Julia Barretto sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment na And I Love You So. Since they are playing against each other, natanong kung meron talagang rivalry between them.

Itinanggi ni Miles na meron silang competition ni Julia. “Sobrang close po kami ni Julia. Ang hirap po magpigil ng tawa lagi kapag magkaeksena kami lalo na kapag sobrang saya naming dalawa.

Pero kapag ‘yung mga eksena po intense na, talagang intense kaming dalawa ay hindi kami nagpapansinan,” say ni Miles. She also said that their friendship is genuine at walang nangyayaring pagalingan sa kanila, “Wala pong sapawan na nangyayari.

Actually, ‘yun po ang maganda sa amin ni Julia, talagang nagtutulungan kami,” say pa ng dalaga.
Bilang magkaribal na magkapatid, may mga eksenang nagkasakitan ang dalawa pero wala pa raw i-yong nakita namin sa trailer dahil mas matitindi pa ang mga kinasangkutan nilang away bilang warring sisters.

Magsisimula na sa Dec. 7 ang And I Love You So sa ABS-CBN Primetime bida.

Read more...